KALIBO, Aklan—Dumami ang bilang ng may kaso ng COVID-19 sa mga senior citizen sa lalawigan.

Base sa tala ng Provincial Epidemiology Surveiilance Unit (PESU), noong October 1 dalawang senior citizens ang naitalang bagong kaso at nitong October 2, nagdagdagan pa eto ng tatlo, kabilang na ang isang 56-anyos.

ADVERTISEMENT

Ayon sa PESU, simula noong Marso hangang sa kasalukuyan, umabot na ng 122 na COVID-19 case ang naitala sa lalawigan.

Sa nasabing bilang, 92 ang naka rekober, 23 pa ang aktibong kaso at pito ang namatay.

Sa nasabing datos, ang bayan ng Kalibo ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 kung saan anim ang namatay, 13 ang aktibong kaso, at 47 ang recoveries. —LBG, GMA News