Tatlo katao kabilang ang dalawang bata ang karumal-dumal na pinatay sa Batuan, Masbate nitong Biyernes, ayon sa Ronda Probinsiya portion ng Unang Balita nitong Lunes.

Suspek sa masaker ang isang 27-anyos na lalaking pinagbintangan daw na magnanakaw.

Kinilala ang mga biktimang sina Luz Escote, 6; Reica Lumunsod, 7; at Hermie Sumagaysay, 30.

Base sa imbestigasyon, bumili raw ang suspek na si Gaspar Docto ng sigarilyo sa tindahan ng mga biktima at nakipag-inuman. Maya-maya pinagbintangan daw ang suspek na kumuha ng wallet ng nanay ng isa sa mga biktima.

Umalis daw ang suspek pero nagbantang babalik

Matapos ang krimen, natagpuang patay ang suspek sa abandonadong kubo di kalayuan sa tindahan ng mga biktima. Hinihintay pa ng pulisya ang resulta ng autopsya sa kaniyang bangkay.  —KBK, GMA News