Isang babae ang natagpuang patay sa loob ng isang motel sa Calasiao, Pangasinan, ayon sa Ronda Probinsiya portion ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Kinilala ang biktima na si Brenda Bruno, isang negosyante. Pagnanakaw ang nakikitang motibo sa pagpaslang dahil nawawala ang bag ng biktima na may lamang mahigit P200,000 at mga alahas.

Na-hulicam ang pagpasok at paglabas sa motel ng lalaking itinuturong person of interest. Minamaneho nito ang isang tricycle na sakay umano ang bangkay ni Brenda.

Sa pagsusuri, lumalabas na pananakal ang dahilan ng pagkamatay ni Brenda.  —KBK, GMA News