Bigla na lamang nahulog sa jeep na kanyang sinasakyan ang isang pasaherong lalaki sa Dasmariñas, Cavite, dahil umano sa sobrang kaantukan.

Ipinakita sa “Unang Hirit” nitong Biyernes ng umaga ang kuha ng CCTV sa biglang pagkahulog ng pasahero sa may Pala-Pala intersection.

ADVERTISEMENT

Hindi agad nakatayo ang lalaki matapos itong bumagsak sa kalsada.

Nilapitan siya agad ng mga concerned citizen at agad namang naisugod sa ospital ang lalaki. —LBG, GMA News