Nagdulot ng malawakang blackout kaninang madaling araw ang isang sawa na umakyat sa poste ng kuryente sa Kidapawan.

Sa ulat ng GMA News TV "Quick Response Team" nitong Lunes, sinabing napunta ang sawa sa mainline ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco.

ADVERTISEMENT

Dahil dito, nagpatay-sindi ang suplay ng kuryente sa lugar hanggang sa minabuti ng Cotelco na tuluyan na pansamantalang patayin na linya ang kuryente sa apektadong transmission line.

Nahulog naman kinalaunan ang sawa na namatay matapos makuryente.

Humingi naman ng paumanhin ang Cotelco sa kanilang mga kostumer dahil halos isang oras na kinailangan nilang putulin ang suplay ng kuryente.--FRJ, GMA News