Natagpuan na ang katawan ng isang 14-anyos na batang lalaking nalunod sa creek San Jose Del Monte, Bulacan matapos ang halos isang araw na paghahanap.

Iniulat ng "Unang Balita" nitong Miyerkules na huli umanong nakita ng isang barangay kagawad ang biktima na lumalangoy sa kasagsagan ng malakas na agos ng tubig sa creek.

Umahon na raw ang biktima pero itinulak pa umano ito ng kalarong 16-anyos pabalik sa tubig.

Itinanggi ng kalaro na itinulak niya ang biktima.

Bagama't humingi na ng paumanhin, balak pa rin siyang sampahan ng kaso ng pamilya ng biktima. —LBG, GMA News