Nauwi sa trahediya ang pagnanais ng isang magkapatid na lalaki sa Bohol na mapabilis ang kanilang internet signal para sa online class nang makuryente sila habang nagkakabit ng signal booster.

Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Lunes, kinilala ang mga nasawi na sina Tristian Hamlag, 26-anyos, at Christian, 20, ng Dimiao, Bohol.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, sinabing tinulungan ni Tristian ang kaniyang kapatid na si Christian sa pagkakabit ng "booster" para mapabilis ang internet speed sa kanila.

Pero aksidente umanong nahulog ang metal antena ng booster na tumama sa poste ng kuryente na malapit sa kanilang bahay na dahilan para makuryente ang magkapatid.--FRJ, GMA News