Pahirapan ang pagdalaw sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay ang ilang mga residente sa Masantol, Pampanga dahil binabaha ang sementeryo.

Iniulat ng "Unang Balita" nitong Huwebes na dahil sa mga pag-ulan at sinasabayan pa ng high tide, na lubog ang mga nitso sa isa sa apat na mga sementeryo sa bayan.

Ayon sa ilang mga dumalaw, kailangan nilang lumusong sa baha upang makapagtirik ng kandila sa puntod ng kanilang mga yumao para sa tradisyunal na pag-aala sa panahon ng Undas.

Dahil sa banta ng COVID-19 isasara ang mga sementeryo sa bansa simula sa ika-30 ng Oktubre, at bubuksan sa ika-4 ng Nobyembre. —LBG, GMA News