Bangkay na nang matagpuan ang isang motorcycle rider na naunang napabalitang nawawala matapos tangayin ng rumaragasang baha sa isang highway sa Ibaan, Batangas.

Ayon sa Philippine Coast Guard (BI), kasama ng biktima ang asawa niya nang maganap ang insidente noong kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Rolly.

Bagama't nakaligtas ang asawa, natagpuang patay sa Barangay Tinga ang rider.

"He was found dead at Barangay Tinga, Batangas. The wife survived the incident," anang PCG. —KBK, GMA News