Nag-viral ang isang lalaki matapos makitang nagkakape sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Rolly sa bansa.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, makikitang tila hindi alintana ni Carlo Tanay ang malakas na hangin at ulan na dala ni Rolly habang umiinom siya ng kape sa labas ng kaniyang bahay.

Aniya, basa na talaga siya ng ulan dahil maghapon siyang naglinis ng mga nagkalat na kahoy.

Sa video, makikitang matapos magkape ay nag-stretching at humilata pa si Tanay sa sofa.

Sa kaniyanag post, inalok pa ni Tanay na magkape ang netizens

Umani ng iba't ibang reaksiyon ang post ni Tanay, karamihan sa kanila ay natuwa dahil sa pagiging kalmado niya. Sa kabila nito, may ilan ding nabahala dahil posible raw siyang tamaan ng mga lumilipad na yero.  —KBK, GMA News