Nahulog ang ilang residente na tumatawid sa isang hanging bridge sa Lake Sebu  sa South Cotabato dahil sa paghasira ng tulay.

Bumigay at nasira ang hanging bridge na gawa sa kawayan dahil umano sa malakas na hangin at ulan.

ADVERTISEMENT

Ligtas naman ang mga residenteng nahulog sa tulay.

Problema na ngayon ang pagtawid nga mga residente sa isang sitio dahil wala na ang kanilang tulay.

Samantala, abot-tuhod ang lalim ng baha sa bayan ng Polomolok sa nasabi ring lalawigan. Baradong kanal ang itinuturong dahilan ng pagbaha, na nadala ng malakas na ulan. —LBG, GMA News