Isang lalaking nakainom umano ang nakitang palutang-lutang sa dagat sa Calbayog, Samar, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Kinilala ang biktima na si Jeffrey Tamayo, na huli raw nakitang mag-isa at may dalang dalawang bote ng alak sa beach sa Barangay Obrero.

Maya-maya, nakita na raw si Jeffrey na palutang-lutang sa dagat.

Dinala pa ang biktima sa ospital pero dineklara siyang dead on arrival. --KBK, GMA News