Sugatan ang isang lalaki matapos umano siyang saksakin ng nakaalitan niyang pamangkin dahil sa hindi niya paghuhugas ng pinggan sa Laoag, Ilocos Norte.

Sa ulat ng GMA News TV "QRT" nitong Martes, sinabing sinaksak ng ice pick ng suspek ang biktimang construction worker.

ADVERTISEMENT

Lumabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad na nagalit ang suspek nang mag-"eat and run" o hindi hugasan at iwan lang ng tiyuhin ang pinagkainan niyang plato.

Napikon ang biktima, na nauwi sa suntukan hanggang sa saksakin na niya ang kaniyang tiyuhin.

Nadakip ang suspek at nakuha ang ginamit niyang ice pick.

Nagkaayos naman ang dalawa at hindi na sila nagdemandahan.--Jamil Santos/FRJ, GMA News