Patay ang isang caretaker ng palaisdaan sa Hagonoy, Bulacan nang pagbabarilin ng dalawang salarin, ayon sa ulat ni Darlene Cay sa Unang Balita ng GMA News nitong Martes.

Sa imbestigasyon ng pulis, kumakain ang biktimang si Alexander de Guia sa isang kubo kasama ang kanyang kinakasama nang biglang dumating ang dalawang armadong lalaki na may takip na tela ang mga mukha.

ADVERTISEMENT

Lumabas ng kubo si De Guia para kausapin ang dalawa nang bigla siyang pagbabarilin ng mga ito.

Tinutugis na ng mga pulis ang mga namaril.—Joviland Rita/AOL, GMA News