Dinakip ng mga awtoridad sa Pangil, Laguna, ang isang lalaki na wanted dahil sa panghahalay umano sa kaniyang anak na pitong-taong-gulang lang.

Sa ulat ng GMA News TV "QRT," sinabing nangyari ang krimen noong 2018 sa kanilang bahay sa Binangonan, Rizal.

Ginagawa raw ng suspek ang kahalayan kapag wala ang kinakasama nito sa bahay.

Nahaharap ang suspek sa two counts of rape at act of lasciviousness.

Itinanggi naman ng suspek ang paratang laban sa kaniya.--FRJ, GMA News