Sa kulungan ang bagsak ng magkapatid na lola sa Lucena City, Quezon matapos na may makuha sa kanilang ilegal na droga sa buy-bust operation na isinagawa nitong Martes ng umaga.

Kinilala ng Lucena Police ang mga inaresto na sina Gloria De Chavez, 61-anyos, at Zenaida De Chavez, 60-anyos.

May nakuha umano sa dalawa na ilang sachet na may laman na hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P700,000.

Ayon ka Police Colonel Romulo Albacea, hepe ng Lucena City Police, newly identified drug personality ang magkapatid na lola.

Isang pulis daw ang nagpanggap ng buyer ng shabu dahilan para mahuli ang magkapatid.

Hindi na nagbigay ng pahayag ang dalawang matanda na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.--Peewee C. Bacuño/FRJ, GMA News