Patay matapos pagbabarilin ang isa umanong fixer sa Biñan, Laguna, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Malapitang binaril ang biktimang si Nestor Areza sa tapat ng isang convenience store. Kita sa CCTV ang pagtakas ng mga salaring nakamotorsiklo.

Isinugod pa sa ospital si Areza pero idineklara siyang dead on arrival.

Inaalam pa rin ang pagkakakilanlan ng mga salarin at kung ano ang motibo sa pamamaril. —KBK, GMA News