Natagpuang patay at may tama ng bala sa ulo ang isang lalaki sa loob ng kanyang van sa Real, Quezon.

Sa ulat ng "Unang Balita" nitong Miyerkules, napag-alaman sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis may nakitang dalawang tama ng bala ng baril sa ulo ang biktimang kinilalang si Darwin Escareces.

Ayon sa mga awtoridad, kabilang si Escareces sa kanilang drugs watch-list  sa bayan ng Real at katabing bayan.

Isa umano ang pagiging nasa drug watch-list ni Escareces ang tinitingnang anggulo sa krimen.

 

—LBG, GMA News