Patay ang isang kilalang asset umano ng National Bureau of Investigation sa Bacolod city matapos itong barilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin.

Sa ulat ng "Unang Balita" nitong Huwebes, sinabi ng mga pulis na nakatayo sa harap ng isang sari-sari store si Jerome Cientos nang dumating ang isang SUV at pinagbabaril ng mga sakay nito ang biktima.

Naka-bonnet umano ang mga suspek na agad na tumakas matapos ang pamamaril.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang insidente.

 

—LBG, GMA News