BORACAY ISLAND, Malay Aklan—Inatasan ni Aklan Governor Florencio Miraflores ang lahat ng hotels sa island resort na magkaroon ng sariling quarantine faciiltiy para sa guests at mga empleyado nito.

Ipinag-utos ang naturang hakbang matapos magpositibo sa COVID-19 ang tatlong turista na nakapasok sa isla gamit ang pekeng RT PCR test results.

Kasalukuyang nakiki-pagtulungan ang Department of Health (DOH) at Department of Tourism (DOT) sa lokal ng pamahalaan ng Malay kung papaano masosolusyonan ang problema ng pagpasok ng mga turistang namemeke ng resulta ng RT PCR test.

Ipinahayag ng DOH na nakalagay sa kanilang website kung saan makikita ang mga legitimate na clinic upang makakuha ng RT PRC test.

Nanawagan din ang DOT sa mga turista na iwasan na ang pagamit ng pekeng test results. —LBG, GMA News