Isang naaagnas na bangkay ng isang lalaki na may hawak na tsinelas ang natagpuang palutang-lutang sa Angalacan River sa Mangaldan, Pangasinan.

Sa ulat ni Jasmien Gabriel Galban sa GMA Regional TV "Balitang Amianan nitong Lunes, sinabing nakita ang bangkay sa gilid ng ilog sa Barangay Embarcadero.

Mismong ang mga residente na ang nagtulong-tulong upang alisin sa ilog ang matigas na bangkay.

ADVERTISEMENT

Walang saplot at pagkakakilanlan ang biktima na tinatayang edad 30 hanggang 40 at may taas na 5'4".

Posibleng nalunod umano ang biktima habang tumatawid sa ilog dahil hawak pa nito ang pares ng tsinelas.

Inaalaman pa sa imbestigasyon ng pulisya kung may tinamong sugat ang biktima na tinatayang nasa tatlo hanggang apat na araw nang patay.--FRJ, GMA News