Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang tatlo katao, habang isa pa ang sugatan sa Antipolo, Rizal. Ang ugat umano ng krimen, away sa lupa.

Sa ulat ni Emil Sumangil sa GMA News "24 Oras" nitong Biyernes,  ipinakita ang video na nakabulagta at duguan ang mga biktima sa liblib na lugar sa Barangay San Jose sa Antipolo.

Pito katao naman ang naaresto pero itinanggi nila na may kinalaman sila sa krimen.

Nakita naman ng mga awtoridad ang iba't ibang baril at mga bala, at two-way radio sa mga suspek.

Naniniwala ang misis ng isa mga biktima na ayaw sa lupa ang ugat ng pamamaril.

Pero ang mga naaresto, todo-bintang na may kinalaman sila sa nangyaring patayan.

"Kung ano man 'yung bintang sa amin hindi namin ginawa po. Sana 'yung katotohanan lang po, 'yung bumaril ang sana hulihin," ayon kay Adrian Miranda.

"Hindi namin kilala kasi wala ako noong gabi na iyon, hindi namin alam," sabi naman ni Eustaqio Flojemon. --FRJ, GMA News