Nasawi ang isang binatilyo matapos siyang aksidenteng mahila ng conveyor ng harvester o makina ng pang-ani sa Puerto Princesa, Palawan.

Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Miyerkoles, sinabi ng pulisya na nagbubuhos ng mais ang biktima nang sumabit ang hawak niyang sako sa conveyor.

Hindi agad nabitawan ng binatilyo ang sako. Agad na napatay ang makina, pero hindi agad ito huminto.

Wala umanong plano na magsampa ng reklamo ang pamilya ng biktima dahil aksidente ang pangyayari. -Jamil Santos/NB, GMA News