KALIBO, Aklan- Apektado na rin ng COVID-19 ang bayan ng Madalag– ang pinakahuling bayan sa lalawigan na napasok ng virus.

Sa nakalipas na mga buwan, tanging ang Madalag ang itinuturing COVID 19 free. Pero ngayon, isinailalim sa lockdown ang kanilang pampublikong pamilihan dahil sa dumaraming kaso ng virus.

Maging ang mga naninirahan sa mga kabahayan na nasa loob ng public market ay pinagbawalan na rin munang lumabas.

Nagsimulang dumami ang COVID-19 sa naturang bayan noong Marso 10 na may 10 residente ang nagpositibo sa virus.

Patuloy naman ang isinasagawang contact tracing sa mga nakalasalamuha ng mga tinamaan ng COVID-19.

Base sa tala ng Provincial Epedimology Surveillance Unit hanggang nitong Marso 13, umabot na sa 1,009 ang apektado ng COVID 19 sa Aklan.

Sa nasabing bilang,  116 ang aktibong kaso,  32 ang namatay at gumaling na ang natitirang iba pa.--Jun N. Aguirre/FRJ, GMA News