Isang lalaki sa Kidapawan City ang hindi tinanggap sa trabaho matapos lumabas sa X-ray na may nakabaong kutsilyo sa kaniyang katawan, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Magtatrabaho sana sa isang mining company sa Agusan del Sur si Kent Ryan Tomao pero naunsyami ito nang may nakitang kutsilyo malapit sa kaniyang baga nang siya ay sumailalim sa medical exam.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Tomao, napagdiskitahan siya nitong Enero at sinaksak. Tinahi raw ang sugat sa isang ospital sa Kidapawan.

Humihingi ngayon ng tulong si Tumao na makauwi para maipatanggal ang kutsilyo sa ospital kung saan siya inoperahan.  —KBK, GMA News