Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang isang pastor na pinagsasaksak ng isang lalaking pasahero rin ng jeep na sinasakyan ng biktima.

Nakuha sa isang video ang pananaksak ng isang lalaking nag-amok habang inaatake si Bishop Julian Mangida sa La Trinidad, Benguet.

Iniulat ng "Unang Balita" nitong Huwebes na biglang pinagsasaksak ng suspek ang pastor sa loob ng jeep na kanilang sinasakyan.

ADVERTISEMENT

Sa inisyal na ulat ng mga pulis, biglang inunyandan ng saksak ng suspek ang biktima at itinulak ito palabas ng jeep.

Mabuti na lamang umano at may tumulong sa pastor at naagaw ang patalim ng suspek.

Naisugod kaagad sa pagamutan ang biktima na nagtamo ng 16 na sugat sa katawan. Maayos na umano ang kalagayan nito.

Ipinahayag ng suspek na nagdilim ang kanyang paningin dahil iniwan siya ng kayang asawa.

Hindi umano niya kilala ang kanyang biktima. Humingi siya ng tawad. Nungit nahaharap pa rin siya sa kasong Frustrated Homicide, ayon sa mga pulis. —LBG, GMA News