Natagpuang patay ang isang kadete ng Philippine Merchant Academy sa loob ng isang palikuran ng isang barracks ng PMMA sa San Narciso, Zambales.

Iniulat ng “Unang Balita” nitong Miyerkules na bandang 6:30 ng umaga natagpuang patay ang kadeteng si Jonas Bondoc.

Naisugod pa umano ito sa isang ospital pero doon ay ideneklarang patay na ang kadete.

Wala pang inilabas na detalye sa dahilan ng kanyang pagkamatay.

Ngunit, sinabi ng PMMA na nag-resign ang commandant of cadets, battalion officer, at company officer kasunod ng nangyari.

Iniimbestigahan na ang insidente. —LBG, GMA News