Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang mangingisda sa karagatan ng Sarangani matapos pataubin ng isang ipo-ipo ang kanilang bangka.

Pahayag ng mga mangingisda, bigla na lamang umanong may nabuo na dalawang ipo-ipo malapit sa kanilang kinaroroonan sa karagatan ng bayan ng Maaisim.

Hindi nagtagal, naitaob na ng naglalakihang mga alon at malakas na hangin ng ipo-ipo ang kanilang bangka.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng PCG at kapawa nila manginisda.

Dinala sila sa pinakamalapit na barangay upang mabigyan ng tulong. —LBG, GMA News