Nakunan ng video ng isang concerned citizen ang paglalakad ng ilang tao sa General Trias, Cavite, kung saan konti lang sa kanila ang may suot na face mask.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, tila nagpaparada at halos magkakadikit ang mga tao.

ADVERTISEMENT

Ayon sa netizen, kuha ang video noong hapon ng July 25 kung kailan piyesta sa lugar.

Sinusubukan pa ng GMA News na kunan ng pahayag ang lokal na pamahalaan kaugnay sa nasabing video. —KBK, GMA News