Limang magkakaanak ang patay matapos pagsasaksakin sa Baleno, Masbate, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Batay sa imbestigasyon, pinasok umano ng tatlong magnanakaw, kabilang ang isang menor de edad, ang bahay ng mga biktima.

ADVERTISEMENT

Kinuha raw ng mga suspek ang cellphone ng isa sa mga biktima pero nagising daw ito. Dito na pinagsasaksak ng mga salarin ang mag-anak.

Isa sa magkakaanak ang nakaligtas at ginagamot na sa ospital.

Nahuli naman ang 16-anyos na suspek sa follow-up operation ng mga pulis. Wala siyang pahayag.

Patuloy naman ang paghahanap sa dalawa pang salarin. —KBK, GMA News