Namatay sa kaniyang minamanehong tricycle ang isang dating seaman matapos siyang barilin sa Ligao City, Albay.

Sa ulat ng GMA Regional TV News nitong Biyernes, sinabing tumakas ang dalawang salarin matapos barilin ang biktima.

Ayon sa misis ng biktima, patungo ang kaniyang asawa sa ipinapagawang apartment nang mangyari ang krimen.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen. Kasama sa tinitingnan nilang anggulo ang pautang o negosyo ng biktima.

Nanawagan naman ang misis ng biktima na makonsensiya at sumuko na ang salarin.--FRJ, GMA News