Patay ang isang dating boksingero matapos makuryente habang nagkakarpintero sa isang commercial building sa Magsaysay, Davao del Sur.
Ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes, kinilala ang biktima na si Gerardo “Gerry” Quiñones, 48-anyos.
Nakuryente si Quiñones matapos aksidente umanong sumayad sa live wire ang kinakabit niyang bubong. Agad siyang dinala sa ospital ngunit idineklara siyang dead on arrival.
Taong 1996 nang maging Super Featherweight champion si Quiñones sa larangan ng boxing. —Sherylin Untalan/KBK, GMA News
