Arestado ang isang lalaki sa Bulacan matapos umanong ikalat online ang mga maseselang larawan ng dati niyang nobya.

Naaresto ang suspek sa isang entrapment operation na ikinasa matapos magsumbong ang biktima, ayon sa ulat ng "Unang Balita" nitong Miyerkules.

Nagsumbong ng biktima sa pulisya na bina-blackmail unamo siya ng suspek para makipagbalikan sa kanya, kapalit sa pagbura ng mga picture na naka-upload sa social media.

Ayon sa mga pulis, inamin ng suspek ang kanyang ginawa. Nakakulong na ito sa Balagtas Police Station. —LBG, GMA News