Isang events planner ang nahaharap sa reklamo matapos umanong lokohin ang isang magkasintahang magpapakasal, ayon sa ulat ni John Consulta sa Unang Balita nitong Lunes.

Marahil dahil sa sama ng loob, hinimatay at isinugod sa ospital ang bride na si Celine Disaula habang nasa reception.

"Hindi dumating yung mga bagay na inaasahan po namin," kuwento ng groom na si Jurie Mondigo.

Sa gitna ng kaguluhan sa kasal at reklamo ng mga supplier na kinuha, dumating ang mga pulis at kinuha ang events planner.

"Ang sabi sa amin ng wedding coordinator, na-short daw siya sa bayad sa kanyang supplier. According to her, nagamit niya 'yung pera na binigay ng couple na para dapat sa suppliers niya," ani Police Major Silver Cabanillas, hepe ng Siniloan Police.

Ayon naman sa inirereklamong events planner, sa legal na paraan na lang daw siya sasagot sa mga paratang at handa raw niyang harapin ang mga akusasyon.

Samantala, nakalabas na sa ospital ang bride at nagpapagaling sa kanilang bahay.

Naghahanda na ang mag-asawa na magsampa ng kasong estafa laban sa events  —KBK, GMA News