Apat na naitalang biktima ng paputok sa Region 2 o Cagayan Valley, ilang araw bago sumapit ang Bagong Taon.

Sa ulat ng "Unang Balita" nitong Miyerkules, sinabi ng Region 2 Health Office na naitala ang mga kaso mula Disyembre 21 hanggang 28.

Mula sa lalawigan Cagayan ang dalawa sa mga biktima, habang tig-iisa naman sa Isabela, at isa sa Nueva Vizcaya.

Tinatayang nasa walo hanggang 12 taong gulang ang mga biktima ng paputok.

Nagtamo silang lahat ng sunog sa katawan, pero isang biktima lamang ang kinailangang putulan ng bahagi ng katawan dahil sa tinamong pinsala. —Jamil Santos/LBG, GMA News