Nasawi ang batang magkapatid nang makulong sila sa kuwarto ng nasusunog nilang bahay sa Moncada, Tarlac. Ang hinihinalang pinagmulan ng apoy-- napabayaang katol na may sindi.

Sa ulat ni Russel Somorio sa GMA Regional TV News nitong Huwebes, kinilala ang mga nasawi na sina Prince Rolan Ferolino, 5-anyos, at Princess Sophia, 3, ng Barangay Tubectubang.

ADVERTISEMENT

Nailigtas naman ang kanilang ina pero nalapnos ang malaking bahagi ng kaniyang katawan.

Ayon sa kaanak ng mga biktima, mabilis na tinupok ng apoy ang bahay kaya hindi na nailigtas ang magkapatid.

Gawa rin umano sa light materials ang malaking bahagi ng bahay kaya madali itong nagliyab.

Sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridadm nakikita na ang napabayaang nakasinding katol ang posibleng pinagmulan ng sunog.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.--FRJ, GMA News