Sugatan ang isang senior citizen na sakay ng e-bike matapos mahagip ng isang van sa Imus City, Cavite noong Martes.

Iniulat sa Unang Balita nitong Miyerkules na batay sa kuha ng CCTV sa Barangay Bucandala, makikikitang tumama ang e-bike sa unahang bahagi ng van.

ADVERTISEMENT

Matapos nito, sumadsad ang e-bike sa kalsada.

Hindi na nakatayo ang 63-anyos na sakay ng e-bike. Nagtamo siya ng mga pasa at sugat sa mukha at iba pang bahagi ng katawan.

Nangako naman umano ang driver ng van na sasagutin ang lahat ng gastos sa pagpagamot ng matanda at sa nasirang e-bike. —LBG, GMA News