Patay ang isang bata sa Rodriguez, Rizal matapos bugbugin at ihampas ng ilang beses sa kalsada ng kanyang sariling ama.

Sa ulat ni Bam Alegre sa Unang Balita nitong Biyernes, sinabing nakunan ng CCTV ang sinapit ng bata sa kamay ng kanya mismong ama sa Barangay San Isidro sa bayan ng Rodriguez noong Miyerkules ng umaga.

ADVERTISEMENT

Nahagip ng CCTV ang ilang beses na paghampas sa kalsada ng suspek sa bata. 

Sinubukang tulungan ng mga kapit-bahay ang bata, nungit hindi tinigilan ng suspek ang pambubugbog sa kayang anak.

Naisugod pa ang bata sa ospital pero idineklarang patay na ng suriin ng attending physician.

Samantala, sa isang pulis report sinasabing dead on arrival sa ospital ang suspek matapos umanong iumpog ang kanayang ulo sa pader. —LBG, GMA News