Natagpuan ng mga residente ng Bongao, Tawi-Tawi kamakailan ang bangkay ng isang bagong silang na sanggol na lumulutang sa dagat.

Madaling araw daw nang makita ang bangkay, ayon sa ulat ng Unang Balita ng GMA News nitong Lunes.

Nilinis ito ng mga residente at pagkatapos ay inilibing.

Inaalam na ng pulisya at mga opisyal ng barangay kung sino ang ina ng sanggol. —KG, GMA News