Dahil umano sa selos, hinostage at napatay ng isang lalaki ang kaniyang asawa sa Antipolo City sa Rizal, ayon sa ulat ni Bam Alegre sa Unang Balita nitong Lunes.

Nagkagulo ang isang komunidad sa Barangay Cupang matapos ikandado ng suspek ang kaniyang mag-ina sa loob ng tinutuluyan nilang bakery stall.

ADVERTISEMENT

Bagama't napakiusapan ang suspek na sumuko, napatay naman nito ang kaniyang asawa. Ligtas naman ang kanilang 3-taong-gulang na anak na ngayon ay nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon sa suspek, selos ang nagtulak sa kaniya para gawin ang krimen. Madalas daw kasing may ka-text ang kaniyang asawa.

"Panay siya text, nawala ako sa sarili," anang suspek na nasa kustodiya na ngayon ng pulisya.  —KBK, GMA News