Napatay mga pulis sa engkwentro sa Pililla, Rizal ang dalawang kidnappers na dumukot sa dalawang Filipino-Chinese sa Maynila.

Sa Unang Balita nitong Miyerkules, kinilala ang dalawang suspects na sina Rollie Castillo, at Jeramil Ventura.

ADVERTISEMENT

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, dinukot ng mga suspek ang dalawang Filipino-Chinese na magpinsan sa Tondo, Maynila noong June 4.

Humingi umano ng P100 milyon na ransom ang mga suspek.

Sa pakipagtulungan sa mga pulis, naibgay ng pamilya ng hininging ransom sa Pakil, Laguna.

Pinakawalan ng mga kidnapper ang mga biktima sa Famy, Laguna.

Pagkatapos, sinundan na ng mga pulis ang getaway vehicle hanggang sa Pililla, Rizal at dun na nagkaengkwentro at napatay ang mga suspek. —LBG, GMA News