Ilang pasahero na nakaupo at naghihintay sa terminal ang inararo ng isang Ceres bus sa Dumaguete City , Negros Oriental nitong Martes ng hapon.

Sa ulat ng GMA Regional TV "Balitang Bisdak," makikita sa kuha ng CCTV camera sa terminal na ilang pasahero ang nakaupo sa waiting area.

Maya-maya pa, isang bus ang nagdire-diretso at sinalpok ang mga biktima at saka tumigil ang sasakyan.

Nakilala ang driver ng bus na si Joebie J. Lajot, 43-anyos, nasa kostudiya ng pulisya.

Mabuti na lang na hindi malubha ang tinamong pinsala ng mga biktima. Kabilang sa kanila ay tatlong menor de edad na residente ng Minglanilla, Cebu.

Ayon sa pulisya, iniimbestigahan pa ng kung human o mechanical error ang sanhi ng aksidente.--FRJ, GMA News