Sa Bacolod City, sumayaw ang isang pamilya habang nagluluksa matapos magparamdam umano ang yumao nilang kaanak na ayaw niya ng isang malungkot na libing. 

Sa video ni Elisa Tormentar, na mapapanood sa Unang Balita nitong Biyernes, makikita ang pagsayaw ng mga kaanak ng pumanaw na si Rocy Mae Lasquiete, 27-anyos.

ADVERTISEMENT

Ayon sa kaniyang pamilya, nagparamdam umano si Rocy Mae, na hindi nito gusto ang isang malungkot na paghahatid sa kanyang huling hantungan.

Kilala rin si Rocy Mae na mahilig sumayaw at manood ng mga viral video, kaya paraan ito ng kanyang pamilya na tuparin ang kanyang huling hiling. — Jamil Santos/LBG, GMA News