Bumulagta sa gitna ng kalsada ang isang rider matapos siyang barilin sa pisngi ng isang biker sa Imus, Cavite. Ang ugat daw ng krimen, gitgitan at murahan sa kalye.

Sa ulat ni Emil Sumangil sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, kinilala ang biktima na si Jonas Dela Cruz, 23-anyos, at isang online seller.

Naaresto naman sa follow-up operation ng mga awtoridad ang suspek na si Erwin Samaniego.

ADVERTISEMENT

Sa kuha ng CCTV camera, makikita si Dela Cruz na sakay ng motorsiklo nang bigla siyang natumba sa gitna ng kalye.

Lumitaw sa binaril na pala siya ni Samaniego na mabilis namang pumadyak palayo sa biktima. Pero dahil sa kuha ng CCTV, natukoy ang kaniyang pagkakakilanlan at naaresto.

Nakuha rin sa suspek ang isang nakuha rin kay Samaniego ang magnum cal. 22 na baril na ginamit niya sa biktima.

Pumanaw sa ospital si Dela Cruz habang ginagamot sa ospital.

Ayon sa suspek, inipit at binastos umano siya ng biktima sa kalsada. Kamuntik na rin daw siyang mahulog sa kanal.

Mahaharap si Samaniego sa kasong murder.--FRJ, GMA News