Tinapa with a twist ang pakulo ng mga taga-Pangasinan nang ipaubos nila ang isang buong tinapang manok sa mga contestant sa Fastest Tinapa Eating Contest.

Sa ulat ng “Saksi,” sinabing ginanap ang paligsahan sa Urdaneta City.

Dumiskarte ang mga kalahok sa junior category at inuna nilang ubusin ang balat, habang katabi ang tubig na kanilang panulak.

"Chicken na chicken" naman ang hamon para sa mga kasali sa senior category.

"Gumagawa na kami ng tinapa 1950s pa. Parang nag-level up lang. Pwede ring tinapang tilapia. Para [maiba] naman, tinapang manok," sabi ng tinapa maker na si Rowena Galinato.

Ang paligsahan ay bahagi ng Food Festival para sa pagdiriwang ng Tourism Month. — Jamil Santos/VBL, GMA News