Ipinakita ng isang babaeng "Dancing Cop" ang kaniyang angas sa dance floor bilang bahagi ng crime prevention campaign ng pulisya sa mga pampublikong paaralan sa Calabanga, Camarines Sur.

Sa ulat ng “Balitanghali” nitong Miyerkoles, makikita ang paghataw ni Police Staff Sergeant Lea Carascal sa isang classroom.

Ayon sa pulisya, paghikayat ito na pagtuunan ng mga kabataan ang kanilang mga talento at lumayo sa ilegal na gawain.

Paraan din ito na ipakita sa komunidad na dapat pagkatiwalaan at hindi katakutan ang mga pulis.  — Jamil Santos/VBL, GMA News