Nasawi ang isang 32-anyos na guro makaraang saksakin siya ng umano'y kainumang estudyante na 19-anyos sa Basey, Samar.

Sa ulat ng GMA Regional TV News nitong Huwebes, kinilala ang biktima na si George Lauron, high school teacher.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na kainuman ng biktima ang suspek na si Kurt Lancanan sa kaniyang tinutuluyang boarding house, kasama ang isa pang lalaki noong Lunes ng madaling araw.

Nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang dalawa na humantong sa pananaksak ng suspek sa biktima.

Nagtamo ng saksak sa dibdib ang biktima at hindi na umabot nang buhay sa ospital.

Sumuko naman ang suspek matapos ang krimen.--FRJ, GMA News