Hindi nakaligtas sa bagsik ni bagyong Paeng ang konkretong bahay bakasyunan na ito sa Barangay Castañas, Sariaya, Quezon matapos itong pabagsakin ay tangayin ng rumaragasang baha sa ilog.

Ayon sa barangay officials sa lugar, may malaking ilog hindi kalayuan sa likod ng bahay.

ADVERTISEMENT

Umapaw ang ilog dahil sa matinding ulan. Sinira ng rumaragasang tubig ang pundasyon ng bahay dahilan upang bumagsak ito.

Walang naiulat na nasaktan sa insidente sapagkat nakalabas na ang mga tao sa loob bago pa ito bumagsak. —LBG, GMA News