Bumaliktad ang isang truck at na hulog sa ang karga nitong backhoe sa aksidente sa daan sa Antipolo City.

Sa Unang Balita nitong Huwebes, sinabi ni Bam Alegre na nangyari ang aksidente pasado alas-dies ng gabi nitong Miyerkoles sa matarik at pakurbang bahagi ng kalasada sa Mambugan, Antipolo.

Nawalan daw ng balanse ang truck at tumagilid at humambalang sa gilid ng palikong kalsada at nalalag pa ang karga nitong backhoe na sumalpok naman sa isang property sa gilid ng Sumulong Highway.

Ligtas naman umano ang driver ng truck na kinilalang si Bernabe Barretto, at ang pahenante na si Edmike Garcia na mga galos lamang ang natamo dahil nakatalon sila bago tuluyang tumagilid ang dalang truck.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ng Antipolo ang driver habang iniimbestigahan pa ang insidente. —LBG, GMA Integrated  News