Nananatili pa ring missing ang isang lalaking tinangay ng baha sa General Santos City noong nakaraang Huwebes.

Ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwbes, batay sa follow-up report ng GMA Regional TV One Mindanao, nagsasagawa pa rin ng search and rescue operation ang mga awtoridad upang hanapin ang biktima na kinilalang si Melham Ibrahim.

Papasok na sana umano sa kanyang trabaho si Ibrahim nang anurin siya ng baha.

Umaasa pa rin ang misis ni Ibrahim na buhay pag ang kanayang asawa. —LBG, GMA Integrated News.